Wednesday, January 9, 2013

Sisterakas VS Si Agimat at Si Enteng Kabisote at si AKO

Metro Manila Film Festival naging tradisyon na sa ating mga pilipino na pagkatapos ng Noche Buena ay pumupunta tayo sa ating mga ninong at ninang upang makahingi ng aginaldo, o kaya naman time to bond with our relatives.Hindi naman mawawala ang pagpapalabas ng mga pelikulang pilipino. Athough, di naman ako ganoong kahilig manood ng pelikula. Nacurious akong panoorin ang bawat kalahok sa MMFF. Dahil narin sa mga comments ni Jessica Zafra. (Kailangan pa bang magcomment ang iba bago ko panoorin?) Dalawa sa pinaka malaking pelikula ang pinanood ko ang Sisterakas starring Vice Ganda, Kris Aquino and Ai Ai delas Alas at ang all time movie every MMFF and Si Agimat at Si Enteng Kabisote at si Ako. starring Ramon "Bong" Revilla Jr., Vic Sotto at Judy Ann Santos. Imagine, casting pa lang, star studded na. I am expecting na maganda ang pelikula yung tipong pinaghandaan.

 According sa Data na nakuha ko sa google via remate.com, tumabo na ang movie nila Kris Aquino, Vice Ganda at Ai Ai Delas Alas ng P39.1 million habang ang Enteng Kabisote nina Vic Sotto, Bong Revilla at Judy Ann Santos ay kumita na ng P29.4 million at Pumangatlo naman ang “One More Try” nina Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Dingdong Dantes at Angel Locsin na kumita na ng P13,160,987.40. Sa Sales palang makikita mo na kung sino ang mga pinilahan nung December 25, last year. Masasabing matagumpay ang bawat pelikulang pilipino. Napapansin kong nag improve na talaga ang mga pelikula natin. Karamihan ng mga pinalabas ngayon ay hango sa totoong nangyayari sa ating paligid. Ang una kong pinanood ang Sisterakas noong lunes. (Nanood akong mag-isa) Sa pangalan pa lang ng pelikula parang kaabang-abang ang chemistry ng tatlong ito. Si Vice Ganda na kilala bilang isang stand up comedian na ngayon ay certified Comedian na. Mapa Pelikula, Palabas sa telebisyon at sa totoong buhay. Nakaka-excite din kasi first time ko siyang mapapanood sa MMFF. Ano kayang pagpapatawa ang meron dito na mauungusan ang kanyang mga dating pelikula tulad ng "Petrang Kabayo, This Guy's in love with you Mare at ang Box office hit of all time ang Praybeyt Benjamin. Si Ai Ai Delas Alas na bihasa sa mga ganitong pangyayari. Matatawag ko na siyang Ina ng MMFF kasi halos lahat ng pelikula niya ay MMFF entry from Ang Tanging Ina, Tanging Ina 2, at Enteng ng Ina Mo, isa sa mga tumabo sa takilya last year. Papahuli pa ba ang Queen of all Media. Kris Aquino na mas kilala sa mga Horror Films like. Dalaw, Feng Shui, at Sukob. Makikipagtagisan siya sa pagpapatawa with Ai Ai and Vice.

Noong Tuesday pinanood ko naman ang Pelikula ni Bossing Vic Sotto na Si Agimat at Si Enteng Kabisote at Si Ako. Halos ilang sequel na ata ang meron nito. Hindi makukumpleto ang MMFF kung wala si Enteng Kabisote. As we all know, Bossing contributed a lot. Madalas ang Movie niya ang nangunguna sa takilya. Makakalimutan ba natin si Agimat, Ramon "Bong" Revilla Jr., Nagsama na sila dati bilang si Agimat at si Enteng Kabisote na hindi mapigilan ang pangunguna. Ang tambalan ng dalawa ay naging hit satin at sinamahan pa ng Reyna ng mga Soap Opera na si Judy Ann Santos na medyo bihasa narin at mabenta tuwing MMFF. Sa dalawang magkasunod na araw kong panonood. Mas marami ang tawang at halakhak ang nasagawa ko noong nanood ako ng Sisterakas. Vice Ganda and Ai Ai never failed to make me laugh. Ang dami mga scene doon na hanggang ngayon ay di parin ako maka-move on. Alam mo yung tipong maikukwento ko sa mga kakilala mo at sasabihin mo na panoorin mo na lang mas maganda at mas tatawa ka talaga doon. Natawa din naman ako sa pelikula ni Bossing. Buti na lang andun si Jose, Wally at Rizza na kahit papaano ay nagpahatak sa pagpapatawa. Hindi nasayang ang pera ko sa panood nito. Worth it naman.. Sa review pareho ko silang bibigyan ng Two thumbs up. maganda ang concept nang story nila... Pero kung sa pagpapatawa no wonder why Sisterakas sells like a HOTCAKE. Sa mga tao compare to Si Agimat at Si Enteng Kabisote at Si AKO.

Sana mapanood ko ang El presidente at One More try.. Mukhang maganda din kasi ang pelikula. Gusto ko rin malaman kung ang pinaglalaban ba talaga ni Angel Locsin at Angelica Panganiban ay ang Sick Child or si Dingdong Dantes.. Hehehe... Base on Jessica Zafra's comment at ang El presidente na sinasabing Bonifacio is not a traitor.. Hanggang sa susunod....









No comments:

Post a Comment