Thursday, January 3, 2013

Best of 2012: Highlight Events of Erwan's Life

How would you define your 2012? Alam niyo ba? I've been thinking since the 29th of December. Three days before the New Year kung ano ba ang 2012 para sa akin. Naalala ko na tinawag kong 2012: Year of Change ang taong ito. Indeed, Maraming mga pagbabago ang nangyari sa akin.As in DRASTIC CHANGE!!! (Capital letters talaga?). My definition of 2012 was fast approaching. I just can't believe na ang bilis ng mga nagdaang araw. Ang daming mga magaganda at di magagandang nangyari sa aking buhay. As I count them down, these explains how drastic yung mga sinasabi kong mga changes.

MOST MEMORABLE EVENTS OF 2012


#10 Indie Film Offer
-Someone shoot me a message on my facebook account if I am interested to do an Indie film. Hindi ko naman ikakaila na naging interesado akong lumabas sa mga pelikula kahit extra. I remember when I was young. I always dream of becoming a stage actor and showcase my acting ability. Yun nga lang my mother was not that supportive. Reality check, tama naman talaga ang nanay ko na mahirap makapasok sa ganyang propesyon at mahirap kumita ng pera sa pag arte. Naintindihan ko ang nanay ko na kailangan din akong maging praktikal. Siguro nga ang pagmomodelo ay hindi talaga propesyon bagkus, ito ay isa lamang pampalipas oras. Natuwa ako ng malaman ko na pwede akong umarte. Yun nga lang,Kelangan ko mag audition sa may CCP complex. It took mo some sleepless nights, thinking kung para ba talaga sa akin ito. Noong nagkasunod-sunod and mga finance sa school, bahay at mga exams... The Audition Schedules did not fit my hectic Schedules. Ang ending.... Hindi ako tumuloy... Sabi ko sa sarili ko. Kung para sa akin yun e di para sa akin..

#9 Star of the Night
- Nakalagay ito sa blog ko. It was a great experience to won the Mr Star of the Night Award last Aquiantance Party in all courses. You can wear anything fashionable outfits as long as you follow the Party's theme. "HOLLYWOOD". I commend all the CSCB Officers, who organize the said event. Although, may mga lapses but, still the event turned successful. I'll give you two thumbs up for a job well done. Speaking of Effort, Naghanap talaga ako sa Divisoria ng Pagawaan ng Black Feathers kasi ang naisip kong suot ay parang Bench Fever ang dating. Dumating ako sa point na kinausap ko ang friend ko na tulungan ako sa tawaran portion sa Divisoria. (Parang Deal or No Deal lang!!!!!!!). Mabigat din ang magdala ng pakpak... Worth it kasi nanalo ako ng award yun nga lang walang Cash Prize. Sana next time may Cash prize na.My feather caught the attention of everybody... Hehehehe...

#8 Passed Sitel
-I dreamed of becoming part of Sitel. Maraming nagsasabi na maganda ang pamamalakad nila. Bukod sa one of the most awarded BPO Company. Dati kapag naglalakad ako ng Ortigas. Lagi kong tinitignan ang Wynsum Building lalo na ang karatula ng Sitel. I said to myself. Makakapasa ako ng Sitel. Luckily, I got the job at UK Account pa. Kaso nga lang, may naging conflict sa oras ng pasok ko sa school kaya.. Ang Opportunity naging bato pa. It was a fun experience kasi napatunayan ko na pwede na akong makipagsabayan sa mga Graduates... Smile

#7 Ateneo Lady Eagles lost their championship game with DLSU Lady Spikers
-Isa ako sa nakakita ng huling laban ng Lady Eagles at Lady Spikers sa Flying Oil Arena sa San Juan. I felt sad for them kasi hindi nila nakuha ang pagkapanalo pero sulit naman ang aking panonood kasi nakita ko si Gretchen Ho in person. Maganda pala talaga siya. Sana dumating ang pagkakataong makapagpa-autograph ako sa kanya... Bawi kayo sa UAAP Season 75! Bring home the bacon!!!!


#6 Reconcile with my Best Friend
-Natutuwa ako kasi ayos na kami ni bestfriend. Ang tagal narin ng pagkakaibigan namin. Since, high school. Madami na kaming ups and downs. Aminado ako na meron din akong naging kasalanan kaya umabot sa sukdulan ang pagtatampo ng bestfriend ko. Masaya ako kasi kahit papaano nakakabawi na ako sa kanya. Sana ngayong taon na ito mas maging strong pa ang bonding namin.

#5 First Christmas and New Years Celebration at Home

-Working in a BPO life especially nightshift and Eastern Standard Time became normal for me. Sabi nga nila kapag dumating ka sa point na nagtrabaho ka na sa Call Center, Maraming Changes tulad ng Sleeping Cycle mo wherein, gising ka sa gabi at tulog ka sa umaga. We all know na mahirap matulog ng mainit, Ang addiction sa Coffee, Ang Pagsabak sa mga Calamities tulad ng Bagyo at Lindol. Ang pagsusuot ng mga Casual Clothes (pwede ring fashionable clothes) at ituring ang mga special occasions na ordinaryong araw. Sa tagal ko nang nagtatrabaho. Band ang Christmas at New Year. Nasanay na kasi akong ipagdiwang ang mga ganitong occasion sa office. Noong 2011, Nagcelebrate ako ng Pasko at Bagong Taon sa Eastwood. Maganda ang experience kasi may fireworks, ang daming taong nagsasayawan.. Kapag Breaktime mo kabi-kabila ang mga magagandang clubs at hang outs dun. Nakaka-amaze naman talaga. Pero iba parin talaga kapag nagpasko at nagbagong taon ka sa bahay. Naexperience ko ang magsimbang gabi, Ang magnoche buena with your family sa bahay at magsindi ng mga firecrakers with your sister. Mas masaya ang experience.

#4 My Resignation at Motif..
-After fruitful four years of working with them. I came to decide to quit my job and focus on my studies. I am grateful to be part of Priceline Family. I see them grow. Thankful ako kasi binigyan nila ako ng pagkakataong mag-aral habang nagtatrabaho. Yun nga lang hindi narin kinaya ng katawan ko kasi full load ako sa School tapos Full time employee pa ako. Nakakamiss ang mga tao dun. Siyempre sa tagal mong nagwork. Madaming tao ka nang nakasama, nakasamaan ng loob, Nakapalagayan ng Loob at Naging mga Kaibigan. Dumarating talaga sa buhay natin na kailangan mo din mag-grow. I always wish the best for Motif.. Thank you for everything.. (Iiyak na ako!) huhuhuhuhuhuhu..........

 #3  Back to College..
-Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko nang lumipat ako ng ibang school. From Polytechnic University of the Philippines to La Consolacion College Deparo Novaliches Caloocan City. Malaki talaga ang difference. Sa dati kong School ang daming estudyante... lagpas 50,000 ang mga student pero sa bago kong school wala pang 5,000 ang dami ng mga estudyante.. All levels and courses na yun. Nagpapasalamat din ako sa kapatid ko kasi  binigyan niya ako ng opportunity na bumalik sa school at mag-aral. From Bachelors of Science in Economics nagshift ako sa Bachelors of Science in Hotel and Restaurant Management. Ang layo no??? Nakakatuwa kasi first time kong magsulat ng mga lectures mag gawa ng assignment. Although, mga PBB teens ang mga classmates ko. Hindi naging hindrance yun para hindi ko gawin ang gusto ko. Matatapos na ang freshman year ko at excited na ako dahil magiging Sophomore na ako next school year. Yehey!!!! Madami akong natutunan tulad ng magluto at proper cleaning procedures.. Nagulat ako na ang paglilinis ay kailangan pang ituro.. Funny but true. Nag eenjoy ako sa ginagawa ko ngayon..

#2 My Sister's Wedding
-I remember my self preparation for the wedding. Everyday workout. Physically conscious ako sa akin katawan. Nagpa-fresh talaga ako..(Hehehehehehe) Mixed emotion ang naramdaman ko. Masaya, kasi natupad na ng ate ko ang pangarap niyang maikasal sa simbahan. Lahat naman ng tao napupunta sa ganitong stage. At the same time malungkot, kasi Mababawasan kami ng tao sa bahay. Magiging tatlo na lang kami. Ako, Si Neng at Si Mama. It only shows na tumatanda na ako..,. Hay buhay?! Pinakamemorable sa akin ang hinatid ko ang ate ko sa Altar. It was a pleasure na ako ang napili ng ate ko na maghatid sa kanya. I was not expecting kasi wala naman talaga akong role dun kung tutuusin. Sana nga nakita ni tatay kung gaano kaganda si ate nung araw na yun. Masarap ang experience kasi first time ko lang pumunta ng tagaytay with my family. Hindi na rin ako nagtagal kasi may Entrance Exam ako that time sa TUP. I wish nothing but the best. Enjoy lang!!!


1# When I became a Third Party..

-Eto na siguro yung pinaka top sa list ko ang maging Third Party. Kapag nagkatime ako isusulat ko sa blog ko kung bakit at paanong nangyari ang lahat. Tama si Bea Alonzo "Walang taong pinangarap maging kabit" pero kapag dumating ka sa point na puso na ang nagpapatakbo ng buong sarili mo. Hindi mo na maiisip ang tama sa mali. Kasi nagmamahal ka. Wala akong pinagsishan sa mga nangyari kasi kagustuhan ko rin naman na mag stay sa aming relasyon. Masakit pero iba ito kasi naiintindihan ko. Walang halong galit ang nararamdaman ko sa kanya. Naiintindihan ko na ngayon kung anong pakiramdam ng isang Third Party.

Ang dami pagbabago na nangyari no. I am loooking forward for more exciting events for 2013. Sana this year magawa ko lahat ng mga pinaplano ko... Dahil sa mga ganitong events nakagawa ako ng mga New Years Resolution for this year at yun ang isusulat ko next time... Kelangan ko ng magpaalam kasi maglalaba pa ako... Hay!!!!!! Bibigyan ko kayo ng BIG KISS.... MMMMWWWWAAAAHHHHHH!!!!



No comments:

Post a Comment