Saturday, January 5, 2013

2013: New Year's Resolution List

     Sabi nila tuwing bagong taon, Bagong buhay narin. Kasabay ng mga pagpapaputok sa paraang gusto natin. (Oist!!!!!! Ikaw ha??? Alam na!). May mga pangyayari sa buhay natin, masaya man o malungkot, ay maituturing natin isang di malilimutang karanasan. Kasabay ng mga karanasang iyon. May mga aral tayong matututunan. Masasabi kong ang 2012 ay taon ng malaking pagbabago sa akin. Kung mapapansin niyo sa una kong blog na naisulat.Drastic Change ang nangyari. Tatawagin kong 2013: Year of Moving Forward. Tama kayo!!!! Taon ng pagpapatuloy ko sa mga pagbabagong nasimulan ko na. Dahil dito, nakagawa ako ng aking New Year's Resolution. I make my top 12 list of Resolution base on my last years' experience at dahil narin ang isang taon ay composed of 12 months kaya twelve ang ginawa ko..

Here are my 2013: New Years Resolution List:

#1 Organize my Time
             Honestly, I had a hard time balancing all my schedules. Ang ending, walang nangyari sa mga bagay na pinag gagagawa ko. I am hoping na maset ko lahat ng mga gagawin ko in their proper places. Time is gold. Every second counts.I'll make sure na plot my schedules sa school, upcoming work, sa family, sa bahay, sa lovelife (kung meron), sa friends, sa mga gimik at sa sarili ko.Para mabigyan lahat ng oras.

#2 Meet the Metrics
               Masaya naman ako sa aking academic performance last year pero masaklap naman ang nangyari sa aking career. I came to a point na I have to give up one of them kasi hindi kaya ng katawan ko. I hope na this year. I can pass all subjects with flying colors kahit hindi na ako maka dean's list. Magawa lahat ng mga requirements na kailangan this school year. Sa Upcoming work, I hope na this year mapasa ko lahat ng mga series of test and extensive training, Sa Bahay, mameet ko lahat ng mga simpleng gawin sa bahay tulad ng pagluluto, paglilinis.

#3 Save Money
               I admit, I was empty handed. There was no single penny left in my pocket. Hindi naging maganda ang paghawak ko ng pera. I am hoping this year. Makapag save ako ng pera mula sa baon ko hanggang sa magiging sahod ko. Sa ngayon ang target amount ko is 50PHP in a day at if papalarin na magkaroon ng trabaho at least 30% nang aking sahod tuwing kinsenas at katapusan. Sisikapin kong magiging wise spender ako at i-avoid ang pagiging overspender sa mga bagay na hindi kailangan. I'll make sure na importante at emergency purposes lang ang pag-gagamitan ko ng aking pera. Ayos ba?

 #4 Look for a part-time job (priority)/ full time job (less priority)

               Aminado akong hindi naman ako kayamanan tulad ng iba. I am blessed kasi pinapag-aral ako ng aking mga kapatid. Kahit papaano kailangan ko din ng financial support. Sa ngayon since priority kong matapos ang aking freshmen year. My Goal is to look for a part time job para atleast, I would have time for my studies and at the same time to earn. Sa ngayon, ang hinahanap kong work ay related sa aking pinag-aaralan para mapraktis ko ang aking field. If hindi naman ako makahanap ng part time my next goal is to look for a full time job this summer para magkapera ako at makabili ng mga kailangan ko bago ang pasukan.

 #5 Live a Healthy Life
                 Masasabi kong nagawa kong healthy ang aking pamumuhay. Since, nasimulan ko na last 2011 ang aking advocacy towards healthy living. Ipagpapatuloy ko ang pagpapafresh ko... Hehehehe.. I'll make sure to drink moderately sa lahat ng alcohol, No smoking policy, More fruits and vegetables, More healthy foods, More milk, more protein shake. Iwas sakit din ako. Dadalasan ko ang pag wowork out para makuha ko ang inaasam kong body figure. Magiging observant ako sa health ko. More Vitamins na din. Ano pa? Aalagaan ko ang aking balat. Dental Check up, Facial, lahat-lahat na may kinalaman sa aking kalusugan at physical features. Ako din naman ang makikinabang nito later on. Sabi nga nila "No pain, No gain". tiis ganda. Hehehehe...

 #6 Strong Relationship with God
                Nakatulong din sa akin ang pagpasok sa Catholic School. Natutunan ko ang kahalagahan ng pag aaral ng bible. Last year, nabuksan ang kaisipan ko sa pagpapatatag ng aking pananampalataya sa diyos. Narealize ko na sa kabila ng blessings na natatanggap ko. Nakakalimutan ko na ang obligasyon ko bilang katoliko na magsimba tuwing linggo at magpasalamat. Pipilitin kong maging strong ang aking faith kay god. Sa pamamagitan ng taos sa pusong pagdarasal at pag-aaral ng bibliya.

 #7 Follow my Heart
                 Susundin ko ang sinasabi ng aking puso. Sa lahat ng aspeto. Mapabuhay pag-ibig man, Career, family, Self, friends at kay God. Sabi nga nila "Gawin natin ang bagay na sa tingin natin makakapagpaligaya sa atin at sa ating mga minamahal. Mamumuhay ako sa paraang gusto ko

#8 Reinvention
                   Lahat ng tao kasama sa list nila ang pagbabago. I'll try to be more calm, patience at passionate sa lahat ng bagay lalong lao na sa mga kakaharapin kong problema sa 2013. Lagi kong motto ay "Less talk, less mistake" and "Patience is a virtue".

 #9 Live within my means
                   2012: Masyado akong naging happy go lucky sa lahat ng bagay. I have tried na makisabay sa mga tao na hindi ko namamalayan nakalimutan ko na ang aking mga responsibilities sa aking tunay na kaibigan, finances at family. Masasabi kong naging failure ako ngayong taon na ito. Mamumuhay ako sa paraang gusto ko at kaya lamang nang aking estado sa buhay. Mamumuhay din ako ng pribado tulad ng gusto kong mangyari sa aking buhay at ayusin ang dapat ayusin.

 #10 Pag-igihan ang ang pagluluto

                   Matatawag kong calling ang napili kong landas ang kusina at ang pagluluto. Masaya ako dahil napagluluto ko na ang aking mga kapatid. Pag-aaralan ko pa at paghuhusayan ang pagluluto lalong lalo na ang mga lutong bahay. Ngayon ko lang nalaman na masarap pala ang magluto :)


#11 Makabili ng Gadget such as SLR, Laptop at Mobile Phone

                   Goal ko ngayong taon na ito ang makabili ng ganitong mga gadgets. Honestly, hindi lang naman dahil sa leisure. Marami din akong pag gagamitan na importante at alam ko sa sarili kong makakatulong sila sa mga upcoming plans ko at sa mga habit ko tulad ng pagsusulat sa blog, thesis work, case study, communication at iba pa.

 #12 Magtayo ng Online Business
                  Isa din ito sa goal ko ang magtayo ng Online Business. Matagal ko ng pangarap na magkaroon ng isang business. Dahil hindi pa ako hinog sa mga ganitong klaseng bagay. Kailangan ko pa sigurong pag-aralan ng husto ang market. Ang plano kong  ipatayong business online ay medyo related sa aking gusto. Pwedeng gadgets, sports, Baking at fashion. Target ko ay last quarter ng  2013 na masimulan ang ganitong plano. What do you think? Sa ngayon, To be announced na lang muna.

Heto na ang list ko for this year. I am not expecting na magagawa ko yang lahat but, I am hoping na sana magawa ko lahat ng isinulat ko. Makakatulong ito sa aking pagtupad sa mga naudlot kong pangarap. Sa ngayon, One step at the time lang ang mga hakbang na gagawin ko para sa ganun hindi masayang lahat ng effort ko tulad ng last year. Hindi naman masama ang mangarap ng matayog, libre lang naman yun e. Ang tanong lang? Pano natin ito maisasakatuparan? Tama ba ako guys???? Huwag natin sayangin ang mga araw. Hindi natin namamalayan na tumatanda na tayo.. Pilitin nating bumangon at ipagpatuloy ang buhay. Sa pagbubukas ng taong ito. Gawin natin ang lahat para makuha at maabot ang langit ng tagumpay. (Masyado na akong nagiging madrama?) Sana'y nakapulutan niyo ng aral ang mga sinabi ko. Meron akong pabaon na isang kanta inspired by American Idol season 12.




Song: Diamonds
Artist: Rihanna

I hope you enjoy the song. "Keep shine like diamonds"... I hope to read your New Years' List soon. Goodbye guys..

2 comments:

  1. Its a good thing na meron kang new year's resolution. At least may batayan ka o gabay pag nawawala ka na sa goals mo. In my opinion pinakamagandang new year's resolution mo ang pang #12 kasi business yun. Sa ngayon kasi mas maganda magbusiness kay sa maging empleyado. Mas magiging malawak ang pananaw mo at mas malawak ang magiging kaalaman mo kung yumaman ka man mas makakatulong ka pa sa iba dahil makakapag bigay ka ng trabaho :)

    ReplyDelete