Acquaintance Party is a yearly celebration of all College level from different courses. The main goal is to mingle with other fellow schoolmates and get to know them more. Meaning, It's like introduce yourself in a leveling way. Hahahaha...Exaggerated pala ako mag define.. You know what???? Ang totoong kahulugan ng Acquaintance Party ay Party, Party! Yung tipong Live band, Loud music and FOOD! (Di naman halatang PG ako?)
Honestly speaking, Hindi ko alam kung bagay pa sa akin ang umattend ng gaanong event. Maybe, It's my age. Alam naman natin na plus 20 na ako. Sabi ko nga nasa midst of adjustment pa ako, when it comes to mingling with my fellow classmates. Secondly, It's the GASTOS. When there is an event, There's always fees to pay. Do you agree? Di naman mawawala ang mga babayaran. Lahat naman ng event ay wala ng libre. Depende na lang kung may sponsor na kayang magshoulder ng fees and Last but not the least, Ang Susuotin mo sa acquaintance party. Bukod sa bayarang fee, Di naman pwedeng pair of sneakers, plain t-shirt at pants lang ang susuotin mo for the event. Depende yun sa theme.
I admit, I am an introvert person. I prefer quiet places than spend my time Clubbing. I feel like wala akong confidence. Ni makipag kilala bagsak ako dun e. Hehehehe.... Well anyways, The theme of the night's party is "HOLLYWOOD". According sa President ng Student Affairs. We can wear anything under the sun. Meaning, Pwedeng pang academy awards, MTV awards o kahit anong Hollywood event pa yan. I find it hard to look for clothes para sa party. So........ I decided NOT to GO. Naging rumor sa buong campus ang hindi pagpunta ng lahat ng freshman sa event. Ang Nangyari they asked for GENERAL ASSEMBLY!
I commend SHANE, the president of CSCB for being courageous in answering all queries about the Acquaintance Party pati narin sa mga ibang officers. The entire assembly, kadalasang ako ang nagtatanong. I was hoping na di sila galit. Hehehe... I was one of the student, who are hesistant to participate with the event. The Student body decided na mandatory kaming magbabayad ng P350.00 for the fee and that includes our food, drinks and other expenses na kailangan para ma accomplish ang event. I find it funny, You know why? Paano kasi they gave us a letter which was not properly printed. Secondly, I read it thoroughly and the letter was sort of misleading. Wala kasing nakalagay na oblige kaming magbayad tapos mandatory ang pag attend pero may response slip for those who will go and not going.
Noong una, I find it confusing. I told them to revise the letter with the correct content. Medyo, nagkaroon ng konting commotion with the letter. Mrs DELLORO came and explain her side kung bakit hindi nila nilagay na MANDATORY. At some point, tama din siya kasi it is very harsh and rude to read kaya they change it to ATTENDANCE IS A MUST. Ganito lang ang pagkakaintindi ko, for those people who are attending. ATTENDANCE IS A MUST TALAGA!!! If you are not going for any reason, attached a letter coming from your parents and state the reason of not going to this event. Ganon pa man, para di na mag cause ng too much commotion. I decided to sit na lang. (conyo?) hehehehe...
September 8, yaan ang araw na gaganapin ang party. It's been a two week preparation for me. Kaya ayun, Nagbayad na ako ng fee. I regularly visit the GYM para magpalaki ng katawan para pagdating ng event medyo di naman ako haggard. I take a lot of Vitamin C, I sleep very early, I surf the net for what dress to wear. Most of my classmates, meron na silang susuotin sa event. Ako? Heto nganga pa... Nag-iisip ako ng magandang damit para sa theme. Yung una kong decision is to wear MAFIA. Kaso nga lang, mahal mag rent ng coat. Kaya nagtingin pa ako ng pwedeng suotin. I said to myself halos lahat ata ng klase ng damit panlalaki ay pare-pareho lang kaya mahirap makakita ng damit na kakaiba. Nakita ko ang picture na ito:
I was amaze with the dragon feather kaya na gustuhan ko ang concept nang pagiging DARK ANGEL.Nagtanong ako sa mga friends ko kung mayroon silang pakpak. Sabi nila, "wala na, natapon na nila at magpagawa na lang ako sa Divisoria". I went to the Divisoria with the help of my friend para mag canvass ng pinakamurang pagpapagawa ng pakpak. Siyempre, Andun ang tawaran portion. Ala Banker nga ako e. Tapos silang mga tindero't tindera panay "NO DEAL!" Hay buhay... Nahirapan talaga akong maghanap ng pakpak. At sa kabutihang palad may nag yes sa P2,500.00 na presyo. rush daw kasi kaya mahal. Sabi ng kasama ko. "Maawa na kayo sa estudyante.." May pagka Best Actor itong kasama ko at napapayag niya ang mga nagtitinda sa presyo namin. Ayan, Ok na ako sa pakpak.. Nag surf ulit ako at tumingin ng mga pwedeng style para sa event at luckily nakita ko ito.
PREFERRED GET UP!!! |
I decided na all black na lang para maganda. Dahil nga tight sa budget. Umorder ako sa natasha ng mga susuotin ko para sa event. Noong una, maayos pang kausap yung kapitbahay namin. Sabi niya, mabibigay daw niya ang order ko. Hanggang a day before the event, kinagabihan pa niya sinabi na wala daw yung order ko. Ang MALAS nga naman. Kaya ayun.. gahol ako sa oras maghanap ng susuotin. That time.. Hanggang 12noon kami sa school at ang event ay magsisimula ng 7pm. Imagine? Siyempre, magwowork out pa ako, matutulog, kakain, magpapahinga at kung anu-ano pa. Ayaw ko naman magmukhang groggy sa Acquaintance Party.
Habang nagpapahinga..... Nagtingin-tingin ako ng mga pwedeng suotin sa event. Halukay dito, halukay doon.. tapon ng damit dito... tapon doon. Natagalan ako sa paghahanap kasi anong oras na. 4:00pm na! Nagwork out muna ako ng dalawang oras talaga.. lahat nga klase ng Chest Program ginawa ko that day para lang sa event. Huwaw!!!!! Ako na si Johnny Bravo. Hahahahahaa... "I am the Mann".. I worked really hard para lumabas yung mga flex ko. Dapat talaga pinaghahandaan ang event. As I went home and took a rest, Nakita ko yung sandong black. Nagkaroon ako ng ideya na mag black sando, black pants tapos yung shoes ko yung PE shoes na lang para mura.
Dali-dali kong pinalantsa yung damit na susuotin ko tapos ayun, nag ayos na ako ng gagamitin ko. Nagjacket muna ako para makapasok ako sa main gate. Hehehe... Baka kasi bawal ang nakasando. Alam mo yung tipong anxious kasi di mo alam kung ano ang suot ng mga fellow classmates mo. Habang nasa tricycle ako e bitbit ko ang aking pakpak na maitim. Sabi ko sa sarili ko bahala na. Nakarating ako ng 6:30pm sa school. 30 minutes before the event nag ayos muna ako ng sarili. Konting pa-fresh muna kahit pinagpapawisan ang aking katawan.. Nakita ng mga kaklase ko ang pakpak na dala ko. Siguro, nagtataka sila para saan yun. Sinuot ko na ang aking finale props at ayun.. Umakyat na ako ng Multi.
Heto ang itsura ng stage namin. I commend those people who designed the stage. Sa totoo lang, hindi madali ang pag gawa ng stage.. Ang laki kaya ng Multi. Kahit ako hindi ko gugustuhin mag design ng stage eh.. Hehehehe.... (Ang tamad ko talaga..!!!!) Back to my story, Pumunta na ako sa taas para magparegister. Medyo, naiilang din ako kasi ang laki ng pakpak halos sakop na niya ang stairs. Kaya medyo nakakaabala ako sa mga dumadaan. Natuwa naman ako kasi kahit papaano may mga pumuri ng style ko. Effort nga naman ang pagdadala ng pakpak para lang sa ganitong event. Nawala narin ang pagka anxious ko sa aking dala-dalang pakpak kaya ayun.. Pagkatapos magparehistro. Kinunan na nila ako for pictorial. Akala ko souvenir kaya ayun nagpakuha ako. Masasabi kong maraming angat na magagandang babae at lalake sa kani-kanilang style. May parang formal, may parang pang porma talaga at may mga pang clubbing talaga. Yung alam mong after the event diretso na sa inuman.. Hehehehe... Gawain ko kasi yun e.
Nag simula na ang event sa pamamagitan ng Opening Prayer followed by National Anthem. Ang Pinakamemorable para sa akin ang Welcome Remarks ni Sister Gavi. May halong sermon.. Akala ko nga nasa misa ako. Peace tayo sister gavi!!! Hehehehe... After, ang una naming ginawa ay kumain. Sayang sana eat all you can siya. Yung parang sa DADS or Barrio Fiesta.. Ganda sana kung ganon. Anyways, regarding sa ulam.. Ok naman siya. Sakto lang.. Gutom na kasi ako kaya di na ako nag comment. Basta ang alam ko makakakain ako. Yum..Yum...Yum.. Burp..... Busog na din ako.
After ng kainan, doon na nagsimula ang programa tulad ng Dance Contest.. Hindi ko nga alam kung contest na matatawag yun kasi wala namang kalaban. Panalo ang grupo ni Steve Daez by Default. Hehehe.. Kudos pala sa grupo. Lahat sila magagaling sumayaw. They rocked the house!!! Nagkaroon ng Dance Party at Ang Pinaka hihntay ng lahat ang tatanghaling Mr and Ms. Star of the Night. Open to all levels. Ang mga judges ang mamimili ng mga kalahok. Meaning, iba-base nila ito sa pictures na kinunan during the entrance time. Sa malaking Screen pinakita ang suot ng bawat isa.. May malakas ang hiyawan.. may mild lang.. Ayun..
Here are the Nominees:
For Ms Star of the Night:
1. Nicole Medina
2. Angela Villarta
3. (Nakalimutan ko na ang name)
For Mr Star of the Night
1.Steve Daez
2. Kim Hermoso
3. Ronald Derick Azurin (Ako? Weehhhh???)
May halong gulat kasi napasama ako sa nominado. Sa tutuusin kung wala naman yung pakpak e napakasimple lang ng suot ko e. Alam mo yun... Hehehehe...Pinatawag na kami upang magpunta sa Backstage for the Runway.. Ala Bench? Naaalala ko na naman ang aking modelling days.. Hehehe.. Habang nasa backstage nakaupo lang ako. Naghihintay lang.. After nang mga talumpati ni Sister ay nagsimula na kami tawagin para rumampa. Siyempre may Criteria for Judging. Hindi ko rin alam e.. Hindi ko narinig kasi wala ako sa sarili that time. Nagsimula na ang Runway Show at isa-isa na kaming tinawag at rumampa. Nang tinawag na ang aking pangalan ay nagsimula ng pumagaspas ang aking pakpak.. Nag ala JAKE CUENCA ako nung event. Hehehehe.. Yabang lang... Nagsimula na akong maglakad. Ang layo nang lalakarin. Napagod ako sa paglalakad. Natapos na ang Runway at nagkaroon ng konting Commercial. Tumugtog ang grupo ng mga high-school sa stage. Sa totoo lang, magagaling sila sa mga piyesa nilang hawak. Parang gusto ko na tuloy mag-aral ng drums..Hehehehe... Nasaksihan ko ang mga babae kung paano nagtitili na parang kinikilig.. Hehehe... Iba na talaga ang kabataan.. VERY EXPRESSIVE!!! Pagkatapos ng kantahan at konting tilian.. Dumating na ang Awards night...
And the winner is.......
MR and MS. STAR OF THE NIGHT 2012 |
I was suprised when they called me as the MR. STAR OF THE NIGHT. and Nicole for the MS STAR OF THE NIGHT. My preparation was paid off kasi may award din akong natanggap galing sa La Consolacion College. Honestly speaking, Hindi ko naman expected manalo kahit nominated lang ay OK na ako kasi wala naman itong kalakip na monetary prize. Hehehe.. Yun talaga ang main goal ko may halong cash receivables ang prize ko. Pero ok na din kasi kahit papaano na-enjoy ko naman ang gabi at nakasayaw ko pa yung crush ko. Crush lang naman e.. Wala namang masamang maging PBB teens paminsan-minsan. It was a wonderful experience for me. First time ko lang kasing umattend e. Sa susunod na acquaintance party ano kaya ang mangyayari??? Abangan....!!!
Star of the night! Ikaw na ..hahaha
ReplyDeleteMinsan ko na ding pinangarap maging star of the night sa Acquaintance party... at nanatiling pangarap ang lahat..haha
Ambisyoso? :p
Malay mo?? Makatyamba.. :)
Deletewho's da lucky girl?? i mean ur crush???
ReplyDeletei hope i cud be da lucky girl someday..... anyways...ur interesting... imean ur blogy... :)_but most specially u...ive been following u since way back den..
Thank you sa pag follow ng blog ko.. I really appreciate it. Regarding sa crush ko pwedeng pass muna? Hehehhe
Delete