Wednesday, October 3, 2012
Ang Buhay Estudyante (Back to School)
College life, marami ang nagsasabi na isa sa pinaka memorable part ng buhay nila ang makarating sa kolehiyo. Eto na marahil ang pinaka mataas na antas ng paghubog ng ating kaalaman patungo sa ating future. Matagal na panahon narin akong hindi nakakaranas ng pagsusulat sa notebook, magpupuyat tuwing gabi para magreview upang makapasa sa mga exam lalong-lao na kapag terror ang professor mo. Ilan lang yun sa mga bagay na parte ng ating pagpasok sa paaralan. Isa lang naman ang pangarap ng bawat magulang. Ang makatapos ang kanilang mga anak at magkaroon ng magandang trabaho.
Alam natin lahat ang Edukasyon lamang ang tanging pamana ang ating mga magulang. Huwaw! (Napaka-drama ko na...Hehehe...) I remember may college year sa Polytechnic University of the Philippines. meaning, isang taon lang akong naging estudyante ng aking kinikilalang sintang paaralan. Yun kasi ang tawag sa aking unibersidad. Kilalang-kilala ang ito unibersidad na ito na matatagpuan sa Sta Mesa Manila.. Bakit ko nasabi? Kasi bago ka makarating dun e dadaan ka muna sa trapik, tapos kapag umuulan naman e baha. tapos malalaman mong malapit ka na dun kapag nadaanan mo na ang limpak limpak na motel na magkakadikit. Hehehehe... Naalala ko nung enrollment. Akala ko kapag pumasa ka ng entrance exam. Makukuha mo ang gusto mong course. I put Banking and Finance as my first choice. Bakit yun? Kasi magandang pakinggan. Parang ang astig lang. Pagpunta ko para mag enrll. Fist come, first serve pala siya. Ang ending... BS ECONOMICS ang nakuha ko. Sabi kasi nila maari daw kami maging President of the Philippines. Dahil nga, gusto ko ng kapangyarihan. Napapayag narin ako.. Hahahaha!!!! Sabi ko sa sarili ko Magiging Presidente ako.. (Sabay tawa BWAHAHAHAHAHA... May sound effects pa na kulog at kidlat)
Hindi ko na gaanong ikukwento ang buhay ko habang nag-aaral sa PUP. kasi, masyadong madrama parang Maalaala mo kaya.. Si Charo Santos na lang ang kulang at ang liham.. Kapag ikinuwento ko pa sa inyo. Baka tumaas ang ratings ko sa AGB NEILSEN. To cut it short, hindi ko natapos ang buong isang taon ko sa school kasi nagtrabaho narin ako at the same time. I chose to gave up my studies para makapagwork at makatulong sa bahay. Alam niyo ba? Iyan ang naging sagot ko kapag may interview kaya ayon.. Pasado naman.. Hehehehe.. Wala akong mga picture sa dati kong school. Asa Friendster.. Di ba nag-upgrade ang friendster kaya lahat ng picture ko dun wala na...
Anyways, Pinag isipan ko talagang mabuti kong papasok na ba ako ng school. Paano naman kasi, ang daming magagandang work opportunity akong nakukuha kaso gusto ng Nanay ko matapos ko ang two years para atleast di ako mahirapan maghanap ng work. At some point, My mom is right. The competition now a days are very stiff. You need to work harder if you want to excel. So, I decided to pursue schooling and let go of my opportunities.I believe, I made the right decision. Am I?.. Hehehehe..
I went some public universities and took entrance exam. I must admit, ang hirap ng exam. talagang advance na ang mga turo ngayon compare dati. Buti na lang shading. My plan was to take Education. Gusto ko rin kasi magturo lalong lalo na maging professor sa isang college or university. Magpapahirap din ako ng student.. Joke lang..! Nag exam ako sa Philippine Normal University. I must say na ang creepy ng place. Siguro kasi, matagal na ang school na yun. Ang bintana nila yung panahon pa ng kastila.. Sabi ko nga sa sarili ko para akong nagbalik tanaw sa nakaraan yung uso pa ang himagsikan.. "MABUHAY ANG PILIPINAS!" Peg ko pala si Andres Bonifacio. Huwaw! Astig lang.. Siyempre, pumunta din ako sa katapat nito ang Technological University of the Philippines. Halos pareho lang ang Building. May pagka OLDIES TIME na rin. Ang dami tao kumukuha ng test. Umaasa na mapabilang sila dito dahil una, mura na at pangalawa, kilala din silang schools sa pilipinas.
Masasabi ko na ang bawat exam at tumagal ng tatlong Oras. Di ako nakapag review kasi nga may trabaho ako nun. Ang hirap ibalanse ang time ko. Tapos, nagkakaubusan pa ng mga agents sa floor. Hay buhay! tapos ang huli nag exam ako sa University of Caloocan dito sa may Camarin. Nag antay ako ng resulta kaso ang ending TUP lang ang pinasahan ko. Pero ayos narin kasi kahit papaano may napasahan naman. Amg malaking problema lang yung Transcript ko kasi 3 months bago ito i-release.Kaya ang pag-eenroll ay isang malaking pagsubok para sa akin. Sa kadahilang imposible na makuha ang transcript ko. I decided to give up my opportunity to study at TUP. Sad face : (
Nag-usap kami ng mama ko na baka di ko siya mapagbigyan sa gusto niya kasi malabo ata akong makakapasok sa school. Hanggang, We decided to try La Consolacion College- Novaliches. Unang pasok ko pa lang sa school. Tahimik, Magaan sa pakiramdam at Maganda ang Ambiance. Noong una, Hesitant pa akong pumasok kasi nga naiisip ko ang mahal ng tuition fee. I talked to my Elder Sister. After a long talk, I was finally convinced to enroll in La Consolacion College. Naisip ko rin na may pangalan ang school kaya di rin ako mahihirapan na maghanap ng work.
My first choice was Psychology. Kaso, wala silang ganung ino-offer na course. sabi ng mama ko wag na daw akong kumuha ng Education kasi parang malas ata yun sa akin. Kaya ayun, HRM ang kinuha ko. HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT. I find it challenging kasi hindi ako marunong magluto.. Alam ko lang magsaing at mag prito. Natatawa ako kasi hindi parin ako marunong magluto ng mga pagkaing pinoy tulad ng Kare-Kare (My all time favorite!), Adobo, Tinola at kung anu-ano pang pagkaing pinoy. Medyo, nagbago ang pananaw ko. Naisip ko na may future parin naman ako malay mo sa pagiging Chef. Paulit-ulit konh inisip hanggang matapos ang enrollment kung tama ang desisyon ko. Pa-uwi ko ng bahay nagulat ako at nagpakita ang Commercial ng Master sa Kusina with Chef Logro. Nilipat ko at Quickfire naman sa GMA NEWS TV. Tapos nilipat ko sa ABS-CBN at Lumabas naman ang Commercial ng ARYANA... Sabi ko eto na ata ang sign. Kaya pinanindigan ko ang desisyon ko. Natatawa ako sa mga signs. Ang laki-laki ko na naniniwala pa ako dun.
Habang papalapit ang pasukan. Hindi ko alam kung anong paghahanda ang gagawin ko kaya sinulit ko ang nalalabing bakanteng oras ko sa pagtatrabaho, pag gi-gym, paglabas with old friends, officemate at acquaintances sa mga resto, bars, resort at kung anu-ano pang mga lugar para marelax ako. Tapos nagtingin narin ako ng gamit sa school tulad ng Notebook, Ballpen, Bag at tsaka bumili narin ako ng P.E uniform at Daily Uniform. Namumutawi ang pagka excite kong pumasok kahit sabihin kong 20 plus na ako. Iniisip ko nga, Paano kaya ako makaka cope up sa mga tao dun. At the back of my mind, I told myself na BAHALA NA... FIGHT! FIGHT!
Dumating na ang araw ng pinaka iintay ko. Ang pagpasok sa school. Nararamdaman ako ang pagka EXCITE at the same time ANXIOUS ako. Bago lang ako freshman pa. Alam mo yung kinakabahan ka kasi makikisalamuha ka sa mga PBB TEENS tapos first time ko lang ulit mag-aaral. All my life, puro work lang kaya mahirap din mag adjust sa bagong environment. As I entered the school premises, medyo, natetenswe parin ako kasi atlast ESTUDYANTE NA RIN AKO! Makaka AVAIL na ako ng STUDENT FARE. Hahahaha.. Yun agad ang pumasok sa isip ko. Una kong nakilala si MAU. Transferee din siya katulad ko. Medyo, nakarelate ako sa kanya kasi pareho kaming Newbie sa school. Honestly, wala rin akong alam sa mga pasikot-sikot sa school. Ayun, Nag-usap kami nang konte. Tungkol sa buhay-buhay. Hanggang sa may mga nagdatingan nang mga estudyante. Alam mo yung feeling na parang kapatid lang sila. Naalala ko yung mga kuwento sa wish ko lang na may kaklase silang 20 plus. Medyo naiilang pero sabi ko sa sarili ko FIGHT!
Unang Araw, mawawala ba ang getting to know each other at Introduce yourself infront of the class. Natatawa ako kasi naaalala ko yung highschool ko yung may nametag pa kaming malaki. Hahahaha.. Sana di ganun ang mangyari kaya ayun. Ang unang pumasok sa isip ko.. "SO HELP ME GOD!" Isa-isa kaming tinawag para makapagpakilala... Turn ko na.. Wala akong maisip.. Ayun, simpleng pakilala lang sa sarili. I just realized na mababait ang mga classmate ko at professor ko na si Mrs Dimson. Sa totoo lang, meron siyang sense of humor. May times na natatawa ako sa mga jokes niya..
Heto nga pala ang mga kaklase ko ngayon. Kung inyong mapapansin magkaka edad lang kami.. JOKE LANG! Karamihan dito PBB teens. Sa paglipas ng mga araw.. Nagugustuhan ko narin ang course ko. Kasi lahat ng tao dapat alam mangusina. Alam mo na kelangan yun matutunan. May mga nagsasabi na ilan na madali lang naman matutunan ang pagluluto basta hilig mo. Noong una hindi ko siya hilig hanggang sa dumating na lang ang araw na nakahiligan ko na lang siya. Nakakatuwa lang di ba?
Na realize ko na walang imposible sa mundo basta kapag ginusto dapat sinasapuso. Minsan naisip ko bakit hindi ako bumalik agad sa school at pinagpatuloy ko na lang sana yung pag-aaral ko. Ganoon talaga ang buhay Ika nga sa The Mistress..... :Hindi lahat ng gusto mo, Nakukuha mo!" Ang lungkot di ba? Sanayan lang talaga siguro. Wala naman masamang mangarap e. Basta gusto mo.
Sa ngayon, Freshman pa lang ako. Kung titignan, malayo pa ang tatahakin ko. Pwedeng two years, pwede rin four years.. Hindi nawala sa akin ang hilig sa pag-aaral. Although, Minsan feeling ko pumepetiks lang ako. Nakikita ko yung hindi na ako gaanong nag eeffort mag-aral. Ang goal ko lang naman ay walang bagsak. Nakakahiya din kasi sa Ate at kapatid kong bunso na siyang sumusuporta sa akin ngayon. Natutuwa ako sa mga kapatid ko lalo na sa Nanay ko na very supportive sa akin. Nakikita ko yung eagerness nila na matapos ko ang napili kong course. Sabi nga ng ate ko "I-enjoy ko lang". Sa totoo lang, limited narin ang pag-eenjoy ko sa aking college life kasi nga halos di narin ako makarelate sa mga PBB teens kong mga Classmate. I must say na hanggang ngayon. Nag aadjust parin ako kasi nga maaga din akong nag mature at n-expose magtrabaho lalo na sa corporate world. Kadalasang mga nakakasalamuha ko e mas matatanda pa sa akin..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment